NEWS
Pangamba ng pagsiklab ng digmaan sa Middle East tumitindi

Photo from www.usnews.com
2/20/26, 3:22 PM
Lumalakas ang pangamba ng mga world leaders na sisiklab ang digmaan sa Middle East habang nagpopostura ng paghahanda sa giyera ang US at Iran.
Nitong Huwebes, nagbabala si US President Donald Trump sa Iran na makipag-ayos na sa kanyang bansa. Paniwala ni Trump na sapat nang panahon ang 10 hanggang 15 araw upang gawin ito ng Iran.
“It’s proven to be, over the years, not easy to make a meaningful deal with Iran, and we have to make a meaningful deal. Otherwise, bad things happen,” sinabi ni Trump na may halong pagbabanta.
Samantala, patuloy na nagdaragdag ang Amerika ng dagdag na puwersang pandagat sa Middle East.
Ang Iran naman ay nagpasimula ng military exercises kasama ang Russia.
Isa pang US Navy aircraft carrier ang patungo na sa Middle East upang samahan ang mga missile-equipped destroyers at littoral combat ships sa karagatan sa paligid ng Iran.
Dahil dito lalo pang tumaas ang tensyon ng digmaan sa Gitnang Silangan.
Nais ipatigil ng US ang nuclear program ng Iran na patuloy naman tinatanggihan ng huli na isinasagawa nito.
