top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Pagtaas ng presyo ng langis hindi makakaapekto sa mga infra project — Dizon

3/13/26, 9:00 AM

By Tracy Cabrera

RIZAL PARK, Maynila — Sa gitna ng krisis sa Gitnang Silangan, hinayag ni public works secretary Vivencio 'Vince' Dizon na optimistikosiyang siyang hindi mababalam ang mga ongoing major infrastructure project ng gobyerno ng anumang big-time fuel price hike sanhi ng digmaan sa pagitan ng Iran at Estados Unidos, Israel at mga kaalyado nito.

Sa media forum na tinanghal sa posh Rizal Park Hotel sa Maynila, ipinaliwanag ni Dizon ang kanyang optimismo na binatay niya umano sa mga variation at price escalation provision na maaaring gamitin kung cost o halaga ng mga construction material ay tumaas.

“Basta tayo, kami ng Department of Transportation (DoTr), tuluy-tuloy lang tayo,” kanyang tinukoy para ilarawan ang commitment ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na tapusin at kumpletuhin ang lahat ng kanilang proyekto sa tamang panahon sa kabila na walang budget ang ahensya para sa taong kasalukuyan.

“Puwede po silang humingi sa gobyerno. This (crisis) is a valid ground for variation. Iyong price escalation, that’s a valid ground for additional payment. (Pero) huwag sila mag-alalala, there are a lot of ways and means for us to help also our private partners,” kanyang idinagdag.

Isinantabi rin ni Dizon ang posibleng delay sa awarding ng bagong mga infrastructure project ng DPWH na tinurang apektado ng pagkakasiwalat ng laganap na korapsyon, partikular na sa mga inisyatibo ng flood control.

Bago rito, binanggit ni Senate Finance Committee chairperson Sherwin 'Win' Gatchalian ang kanyang agam-agam ukol sa kung paano magsasagawa ng bidding para sa alin mang infrastructure project sa ilalim ng 2026 national budget dahil nagbabala siya na ang bumagal na paggasta ng pamahalaan at ongoing oil crisis ay maaaring dumiskaril sa ating economic recovery.

Gayun mang, najkapag-request na rin naman ang DPWH upang gamitin ang 2026 sa pagbalangkas at approval ng isang flood control master plan subalit inaasahan ni Dizon na masisimulan din ito ngayong buwan.

“Nag-start na tayo ng bidding ngayong late February and March, so we will start awarding by end of March,” aniya.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page