top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Pag-suspinde ng dagdag pamasahe ikinagalit ng public transport groupssaksipinas.com

Photo from saksipinas.com

3/19/26, 10:16 AM

Ni Joyce Sabado

Ikinagalit ng mga lider ng transport grops ang naging desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspendihin ang ipatutupad sanang dagdag pamasahe na Inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Inakusahan ng mga lider ng mga pampublikong sasakyan ng pamumulitika ang pangulo sa gitna ng patuloy na kakulangan ng kanyang administrasyon na gawaran ng agarang solusyong ang kasalukuyang energy crisis.

Isang araw bago ang implementasyon ng fare rate hikes, inatasan ni Marcos na pansamantalang ipagpaliban ang taas pasahe para sa mga jeepney, bus at Transport Network Vehicle Services (TNVS).

Sa paniniwalang dapat suportahan muna ng gobyerno ang mga commuter, manggagawa at estudyante at ”lahat ng mga gumagamit ng ating transportation system” sa panahon ng krisis, pinagutos ng punong ehekutibo ang suspensyon upang tugunan ang paghihirap ng publiko sa lumolobong presyo ng gasolina sanhi ng giyera sa Gitnang Silangan.

Lumilitaw na ang hakbang ay ginawa upang maipakitang ang pagnanais ng pangulo na mabigyan ng katitakang muli ang mamamayan na gagawin ng pamahalaan ang lahat para "walang maiiwan" sa panahon ng kanyang panunungkulan.

Hindi ikinatuwa ng mga nasa public transport ang desisyon ni Marcos at idiniin na halagang piso lamang naman ang kanilang hinihiling na karagdagang pamasahe.

“Iyong piso na hinihingi ng ating mga driver, hindi papara sa usapin na para gumandaang kanilang buhay, kung hindi para maibsan ‘iyong patuloy na pagliit ng kita nila, mabawi man lamang sana,” ayon kay Piston national President Mody Floranda.

Hindi umano makatarungan ang naging desisyon ni Marcos sapagkat patuloy namang walang ginagawa ang punong ehekutibo upang disiplinahin ang mga malalaking kumpanya ng langis na patuloy na nagpapalaki ng kani-kanilang kita.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page