top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Nationwide transport strike sa Huwebes

PISTON president 'Mody' Floranda.

3/17/26, 11:30 AM

Ni Tracy Cabrera

MAYNILA — Hikahos na sa epekto ng sobrang pagtaas ng presyo ng gasolina sanhi ng krisis sa Middle East, nakatakdang lagsagawa ang mga jeepney driver ng nationwide transport strike sa darating na Huwebes, Marso 19, upang mapakilos ang gobyerno na tugunan ang situwasyon.

Una nang nag-anunsyo ang transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) para sa isang araw na suspensyon ng kanilang operasyon upang iprotesta ang labagal na aksyon ng pamahalaan sa harap ng tumataas na presyo ng mga produktong petrolyo na lubhang nagpapahirap sa mga tsuper at commuter.

Ayon kay PISTON president Modesto 'Mody' Floranda, layunin ng transport strike na pakilusin ang administrasyong Marcos Jr. para alisin na ang value-added tax at excise tax sa petrolyo, itakda ang presyo ng gasolina sa ₱55 kada litro at magpatupad ng ₱5 taas-pasahe sa gitna ng kaguluhan sa Middle East.
Subalit ang itinutulak lamang ng mga mambabatas sa Senado at Kamara de Representante ay ang pagpasa ng panukalang mabigyan si Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. ng emergency powers para suspindihin o bawasan ang fuel excise taxes sa loob ng anim na buwan.

Gayun man, kahit magpatupad ang suspension, baba a lang ang presyo ng gasolina sa ₱5 hanggang ₱10 bawat litro.

Kinondena ng mga public utility driver at Operator sa pangunguna ni Floranda ang big-time price increase ng karamihan ng mga kompanya ng langis sa kabila ng kinikita nila bilyun-bilyong piso.

Samantala, kinokonsudera naman ng Mababang Kapulungan na pag-aralan muna ang posibleng pag-amyenda ng Oil Deregulation Law, na siyang nagbigay-daan para makapag-adjust ang nasabing mga kompanya ng petroleum prices batay sa Mean of Platts Singapore (MOPS) at kani-kanilang imbentaryo.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page