NEWS
Namayat na ex-Speaker Romualdez pinasaringan ni Edu Manzano

2/23/26, 7:41 AM
Ni Tracy Cabrera
MAY parunggit ang aktor at dating Makati City vice mayor Eduardo 'Edu' Manzano sa napansing pangangayayat at pagbagsak ng timbang umano ni ex-House Speaker at incumbent Leyte First District representative Ferdinand Martin Romualdez.
Sa kanyang social media page, ibinahagi ni Manzano ang isang larawan ng pinsang bio ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. na kung saan makikitang pumayat ng husto ang dating lider ng Kamara de Representante.
Dito hinayag ng aktor ang kapansin-pansing pangangatawan ni Romualdez na Ayon sa kanya ay hindi dahil sa Ozempic o gym workout.
“When the whole country knows what you did, the results are better than Ozempic. Hindi pala gym ang sikreto,” ikinabit ni Manzano sa kanyang post.
Nagbigay pa dita ng followup dito: “Committee hearings and ‘public scrutiny’ diet. Nakakapayat talaga ang stress lalo na kapag may dapat kang ipaliwanag.”
Umani ito ng magkahalo at magkasalungat na reaksyon mula sa mga netizen na sumang-ayon sa pananaw ng aktor habang ang iba nama'y nanawagan para sa accountability ar due process sa halip ng online commentary.
Sa ngayon, wala pang reaksyon mula sa dating Speaker sa mga pahayag ni Manzano.
Dati pang naugnay si Romualdez sa mga kontrobersiya sa sinasabing mga iregularidad sa iba't ibang infrastructure project ng pamahalaan at gayun din ang tinuturong mga 'insertion' sa national budget.
Bumabaha dita bilang House Speaker noong Setyembre nitong nakaraang taon matapos mabanggit na sangkot sa mga usapin ng korapsyon, na kanya namang mariing itinanggi.
