NEWS
Nakararaming mga Pinoy ayaw sa political dynasty - Pulse Asia survey

Photo from www.philstar.com
3/13/26, 11:45 AM
Ni Ralph Cedric Edralin
Halos dalawang katlo (2/3) ng mga Pilipinong nasa edad na ang sumusuporta sa pagbubuwag at pagbabawal ng political dynasties sa bansa, ayon sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na ipinalabas nitong Biyernes (Marso 13).
Hindi naman detalyado kung anong klaseng pagbabawal ang nais ng nakararaming Filipino laban sa dinastiyang pulitikal sapagkat binansagan “malasado” ang bersyon ng panukalang batas na ipapasa na Mababang Kapulungan.
Sa resulta ng 1st Quarter 2026 “Ulat ng Bayan” survey ng Pulse Asia, lumalabas na 64 porsiyento ng mga Filipino ang sumasang-ayon sa pagpasa ng anti-political dynasty bill sa Kongreso.
May 17 porsiyento naman ng na-interview ang hindi sang-ayon sa pagbabawal.
Sa Metro Manila, 69 porsiyento ng na-survey ang ayaw sa political dynasty. Malaking porsiyento rin ang naitala na anti-political dynasty sa Luzon, 74 porsiyento) at Visayas (73 porsiyento).
Halos lahat ng social classes ng bansa ay hindi rin payag sa political dynasty. 70 porsiyento mula sa Class ABC o upper to middle class at 66 porsiyento mula sa Class D o masa, ayon sa Pulse Asia.
Magkakaiba naman ang pananaw ng mga respondents pagdating sa antas o degree ng pagkakamag-anak ng mga pulitiko.
Hindi rin nagkakaisa ang pananaw sa kung aling sangay ng pamamahala dapat ipagbawal ang political dynasties.
Sa Kamara, kinondena ni Caloocan City Rep. Edgar Erice ang malapit nang aprubahang bersyon ng Anti-Politic al Dynasty law sapagkat maluwag ang mnga probisyon nito at nagbibigay daan upang mapanatili ang dinastiya.
