top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Moreno mananatiling pang-lokal sa halalan 2028

Photo from inquirer.net

2/24/26, 3:40 AM

Ni Samantha Faith Flores

Hindi na muling tatakbo pa sa mas mataas na posisyon si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Ito ang ipinakayag ng alkalde matapos na lumutang ang pangalan niya para sa posibilidad na pagtakbong muli sa 2028 presidential elections.

Ayon sa kanya ang intensyon niya ay tanging para sa pagpapabuti ng kanyang tungkulin sa mamamayan ng Manila.

Humarap si Moreno sa mga reporter nang dumalo ito s expanded Local Government Support Fund (LGSF) meeting na ipinatawag ng Palasyo.

“Dito lang ako sa Maynila. Pabayaan na lang ninyo ako,” sinabi ng mayor na dating artista.

Nang muling usisain kung may masasabi siya sa pag-deklara ni Vice President Sara Duterte ng pagtakbo sa 2028 presidential race at sa paglutang ng pangalan niya sa national politics, natawa ang alkalde.

“Tatakbo ako - mayor,” bitaw nito.

Maalalang tumakbo si Moreno sa pagka-pangulo noong 2022 ngunit hindi pinalad laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Bumalik sila sa lokal na eksena noong 2025 at nagwagi sa laban kay Mayor Honey Lacuna. Personal na pinili ni Moreno si Lacuna upang humalili sa kanya upang kumandidato noong 2022.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page