top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Mga senior citizens pinakamadalas mabiktima ng consumer fraud - CICC

2/24/26, 8:45 AM

Ni Ralph Cedric Edralin

Consumer fraud o panloloko ng mamimili ang pangunahing reklamong cybercrime na idinulog ng mga senior citizens sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center.

Ito ang ipinahayag ni CICC division chief Cleo Dongga-as sa ginanap na Meet the Press ng National Press Club nitong Martes (Peb. 24).

Ayon kay Dongga-as, nakatanggap ang CICC ng 366 reklamo mula sa mga nakatatanda.

Aminado siya na kadalasang namamanipula ang mga senior citizens sa pamamagitan ng social engineering.

“Ang ginagamit nila ay tinatawag na social engineering or parang manipulation technique na kinukuha yung trust or in-exploit yung victim nila tulad ng senior citiens to reveal information,” paliwanag niya.

Ang social engineering ay isinasagawa sa pamamagitan ng phishing or vishing.

Nanawagan si Dongga-as sa publiko na maging mapagmatyag at huwag agad magtitiwala kahit kanino kung tumatanggap sila ng tawag sa telepono.

Ayon sa kanya maiiwasan ang cyberspace fraud kung iiwasan ng mga tao na tumanggap ng tawag mula sa mga hindi kilalang numero o sa pag-click ng mga links sa internet messages.

May kakayahan ang CICC na tumulong sa mga biktima ng hacking o impersonated social media accounts sa pamamagitan ng koordinasyon sa pag-take down ng mapanlinlang na accounts.

Noong 2025, tumanggap ang CICC Cybercrime Complaint Center ng 18,633 reklamo mula sa 13,000 indibidwal.

Nakapagtala dito ng 6,453 reklamong consumer fraud, na kumakatawan ng 35% ng kabuuang naitalang complaints.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page