top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Isa patay, higit 24,000 nadakip, kaugnay sa Metro Manila Safer Cities Initiative

Photo from balita.mb.com.ph

4/8/26, 1:00 PM

Ni Ralph Cedric Edralin

Higit sa 24,000 katao ang arestado at isa naman ang namatay sa pinaigting na pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa at batas na kasalukuyang isinasagawa sa programang Safer Cities Initiative in Metro Manila na isang proyekto ng Department of the Interior and Local Government.

Sa report ng DILG nitong MIyerkules (Abril 8), napag-alamang karamihan sa mga natiklo ng pulisya ay mga taong umiinom ng alak o naninigarilyo sa pampublikong mga lugar.

Kasunod nito, marami rin mga indibidwal ang nahuling naglalakad sa kalye ng walang pantaas. Ang iba naman ay mga menor de edad na lumalabag sa mga curfew ordinansce ng kani-kanilang mga lokalidad.

May halos 500 naman ang arestado dahil sa paglabag ng lokal na batas laban sa pag-karaoke ng lagpas alas-10 ng gabi.

Sa kasamaang palad naman, isang lalaki mula sa Taguig City ang namatay nang tangkain nitong tumakbo mula sa mga awtoridad. Ang lalaki ay inatake sa puso at hinihinalang sangkot sa droga.

May apat na kasamahan ng nasawi ang nahuli at kasalukuyang pinaghahandaanb ng kasong may kaugnayan sa paglabag ng anti-narcotics laws.

Ayon kay Police Major Hazel Asilo, tagapagsalita ng National Capital Region Police Office (NCRPO) naitakbo pa sa ospital ang lalaking inatake sa puso ngunit deklarado siyang dead on arrival.

Sinabi rin ni Asilo na may 200 indibidwal ang nasampahan na ng kaso at higit sa 6,000 pa ang pinagmulta.

Ang natirang 18,000 ay nakatanggap lamang ng warning na tutuluyan ng kaso kapag naulit ang kanilang paglabagsa batas.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page