top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Iran balik-political dynasty: Mojtaba pumalit sa amang Ali Khameini bilang supreme leader

3/9/26, 9:15 AM

Balik-political dynasty ang Iran nang piliin ng mga natitirang opisyal ng Islamic leadership si Mojtaba Khameini, anak ng pinaslang na Ali Khameini, na mamuno sa bansang nakikipag-digmaan laban sa Estados Unidos at israel.

Agad naman nag-warning si US President Donald Trump na ang bagong hirang na Iranian leader ay magiging panibagong target ng asasinasyon ng magkasanib na US-Israel forces.

Marami rin Iranian ang umanoy nadismaya sa pagpili kay Mojtaba, pangalawa sa dalawang anak na lalaki ni Ali na nasawi nang pasabugin ng malakas na missile ang kanyang hideout sa Tehran.

Ito ay sapagkat nagbabalik ang kinamuhiang political dynasty sa pamamahala ng Iran.


Matatandaan dahil sa malawakang katiwalian sa pamahalaan, pinatalsik sa pamamagitan ng coup d’etat ang dating makapangyariang Pahlavi dynasty noong 1979 sa pangunguna ng Islamic leaders sa ilalim ng ngayon ay yumao nang si Ayatollah Khomeini.

Ang galit sa dinastiya ang naging dahilan kung bakit binigyan ng publiko ng suporta ang rebolusyon ni Khomeini.

Ang Pahalvi dynasty, sa pangunguna ni Reza Shah Pahlavi ay naitaguyod matapos na magtagumpay ito pababain ang Qajar dynasty noong 1921.

Nang mamatay si Reza Shah noong 1941, humalili naman ang kanyang anak na si Mohammad Reza hanggang pabagsakin ang kanyang pamahalaan noong 1979 dahil sa Islami Revolution sa ilalim ni Khomeini.

Ang bagong supreme leader na si Mojatba ay pinili bilang pinuno ng Iran mataos na magpulong at bumoto ang 88 senior clerics, o Assembly of Experts

ng kapalit ng yumaong ama nito na si Ali.

Islamic Revolution - brought down thruling dynasty Reza Khan ruled as Reza Shah Pahlavi 1925-41 and Mohammad Reza 1941-79. began following the coup d'etat against Qajardyansty in 1921

social discontent 2-0 year oiled agreement with the ocnsortium of Western firms led by British petroleum

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page