NEWS
Imbentaryo ng krudo tumataas; 52.3 milyon litro ibinagsak sa bansa

4/11/26, 11:00 AM
Ni Annietha Fae Mar
Mahigit sa 52.3 milyon sa inaasahang 165 milyon litro ng krudo ang dumating na sa Pilipinas habang nagdarasal ang maraming mga Pilipino na sana ay magtuloy-tuloy na ang kapayapaan sa Gitnang Silangan.
May 300,000 bariles ng diesel ang ibinaba sa mga pier nitong Sabado (Abril 11), ayon kay Energy Secretary Sharon Garin.
“Shipment of PNOC EC from Malaysia. That's 329,000 barrels or 52,311,000 liters of diesel purchased by the government to stock up on supply while the Middle East war is not over,”ayon kay Garin.
Galing sa Malaysia ang dumating na krudo at bahagi ito ng pagkilos ng pamahalaan upang mapatatag ang reserba ng bansa sa kalagitnaan ng pabago-bagong trend sa pandaigdigang merkado.
Darating din umano ang mga shipment ng krudo na manggagling sa North Asia o India at sa Oman sa ikalawa at ikatlong linggo ng Abril.
Ayon sa DOE lumalaki na ang imbentaryo ng krudo at aabot na sa 50 araw ang supply. Dating pang-30 araw lamang ang minimintini ng bansa.
