NEWS
ICC proceedings sinimulan; ebidensya sa malawakang pagpaslang inaalam
.webp)
Photo from abante.com
2/23/26, 11:52 AM
Ni Ralph Cedric Edralin
Idineklara na ng mga taga-usig sa International Criminal Court na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa likod ng pagpaslang sa libo-libong mga sibilyan ng ipatupad niya ang kanyang “war on drugs” simula Nobyembre 1, 2011 hanggang sa Marso 16, 2019.
Hindi nagpakita si Duterte sa pre-trial ng kasong crimes against humanity na isasagawa sa loob ng apat na araw.
Sa paglilitis of “confirmation of charges”, dedesisyunan ng ICC kung may sapat na ebidensya upang ipagpatuloy ang pagdinig ng mga akusasyon sa dating pangulo.
Nasa loob ng court room ang defense panel na pinangunahan ni legal counsel Nicholas Kaufmann, habang ang mga Filipinong abogado ng nasasakdal ay nasa itaas ng observation room.
Ayon kay ICC Prosecutor Mame Mandiaye Niang si Duterte ay may malaking partisipasyon sa pagpaslang ng sibilyan na pinaghihinalaang mga sangkot sa ilegal na droga.
“His contribution was essential as he was at the very heart of the common plan to neutralize alleged criminals in the Philippines, including through murders,” sinabi ni Niang sa kanyang opening statement.
Tatlong kasong crimes against humanity (murder at attempted murder) ang umanoy naging pagkakasala ni Duterte sa pagsasagawa ng war on drugs.
Sinabi ni Niang na ang dating pangulo ang nagbigay ng “moral at financial support” sa mga salarin. Siya rin umano ang nagpangalan ng mga dapat iligpit.
“At first, they were committed in and around Davao City, where Mr. Duterte was mayor and then expanded across the Philippines when he became president,” pagakusa ng tagausig.
Sa unang tatlong akusasyon, pinararatangan si Duterte bilang co-perpetrator sa pagpatay ng 76 na brutal na pagpatay ng mga hinihinalang may kinalaman sa ilegal na droga.
Nagsalita rin ang mga abogado ng mga biktima sa pangunguna ni Atorni Joel Butuyan.
“We communicate the very deep disappointment of the victims at the decision allowing Rodrigo Duterte not to be present in this stage of confirmation of charges. The sight of Mr. Duterte being read and being confronted with the grave and horrible charges against him would have constituted a vital component of justice for the victims,” paliwanag ni Butuyan.
Sinabi rin niya na ayon kay dating Justice Secretary Crispin Remulla mahihirapan talaga paharapin sa kaso si Duterte sa bansa, lalo pa at hindi magiging madali ang pagkalap ng ebidensya laban sa kanya.
“Remulla declared and I quote: ‘ It is difficult to prove the case here and build up the case becausethose who are willing lto speak are involved in the crime. There is nothing, not even a police report, you don’t have a scene of the crime, you don’t have ballistics, uou don’t have DNA,’” ayon kay Butuyan.
