NEWS
GSIS solar loan rollout makakatulong sa mga miyembro matugunan ang ongoing energy crisis

3/26/26, 5:45 AM
Ni Tracy Cabrera
GSIS COMPLEX, Pasay City — Bilang suporta sa inisyatibo ng administrasyon Marcos na makamit ang energy stability para sa mahigit 1.98 milyong lga public sector worker, nilunsad ng Government Service Insurance System (GSIS) ang Ginhawa Solar Energy Loan (GSEL) program na idinisenyo para isulong ang renewable energy adoption, pagbabawas sa electricity cost at pagtiyak din ng katatagan ng bawat emplymeyado ng gobyerno sa harap ng krisis.
Ayon kay GSIS president at general manager Jose Arnulfo 'Wick' Veloso, nakalinya ang nasabing programa sa mga layunin ng Executive Order No. 110, na nagbibigay daan sa whole-of-government response sa ilalim ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food and Transport (UPLIFT) na tumutugon sa mga hamon sa sektor ng enerhiya, mapangalagaan at mapanatili ang economic activity sa bansa.
“By translating national policy into a practical, member-centered program, (we) will enable (our) members to shift to cleaner and more reliable energy sources while easing household expenses,” pinunto ni GM Veloso habang nagpahayag ng optimism sa positibong reaksyon mula kanilang mga miyembro.
Sa loob lamang ng 24 oras, aniya, nakapagtala ang GSEL ng malakas na tugon sa natanggap na mahigit 1,200 loan application na umaabot sa ₱400 milyon ang halaga, na sumasalamin naman ng lumalaganap na interes dito ng mga miyembro ng GSIS sa mga renewable energy solution.
“The rollout of the Ginhawa Solar Energy Loan is our concrete contribution to the national effort to ensure energy stability while helping our members achieve long-term savings,” idiniin ni Veloso.
“We are encouraged by the initial response and remain committed to delivering programs that align with national priorities and directly benefit our members,” dagdag pa ng opisyal.
Sa ilalim ng GSEL program, ang mga kuwalipikadong miyembro ay binibigyan ng pagkakataon qualifiedmakapangutang ng hanggang ₱500,000 para gamitin sa instalasyon ng lga solar panel system sa kanilang tahanan. Ang mga loan at may interest rate lang na 5 porsyento kada taon, na maaaring bayaran sa loob ng limang taon sa 60 equal monthly installment.
