top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Gobyerno naghahanap ng alternative source ng enerhiya

Sinalubong ng mga lokal na opisyal si Pangulong 'Bongbong' Marcos Jr. nang dumalaw siya sa Mariveles, Bataan. (Larawan mula sa YouTube)

3/20/26, 6:00 AM

Ni Tracy Cabrera

MARIVELES, Bataan — Habang dumalaw sa Mariveles sa Bataan, hinayag ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. na naghahanap ang gobyerno ng iba pang mga source ng produktong petrolyo bilang bahagi ng inisyatibong tiyakin ang steady supply ng langis sa gitna ng pagkakasara ng Strait of Hormuz sa gitna ng away ng Iran at Estados Unidos, Israel at kanilang mga kaalyado.

Ayon sa punong ehekutibo, minimintine niyang may sapat na stocks ang bansa ng langis at mga pangunahing pangangailangan habang ang mga ahensya ng pamahalaan ay nakatuon ang pansin sa pagpapanatili ng makatarungang presyo ng petrolyo.

Ang paghahanap ng mga bagong source ng gasolina ay bunsod ng pagkakaantala ng daloy ng oil supply sanhi ng pagkakasara ng Strait of Hormuz sa kabila ng commitment ng mga supplier na ipagpapatuloy nila ang pagkilala sa kasalukuyang mga kontrata sa bansa para sa mga petroleum-based na mga produkti tulad ng fertilizer o abono.

“For food, we can do more. We are looking for additional ways to lower food prices. As for oil, there’s nothing much we can do about that, but at least we are making sure that the supply will be available,” pinunto ni Ginoong Marcos Jr.

“So even if we have stock, the Philippines continues to look for more — because we really source from the Middle East. So we are looking for alternative sources of oil,” dagdag nito.

Gayun pa man, sa kabila ng tinaguriang lga global uncertainty na nagmuula sa giyera Gitnang Silangan, tiniyak sa publiko ng Pangulo na hindi daozt mag-alala dahil ginagawa ang lahat ng pamahalaan upang maibsan ang epekto ng krisis.

“The problem is that the price of oil is very volatile, we cannot fully anticipate so we are still adjusting right now,” kanyang tinukoy.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page