top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

LATEST NEWS

Foreign travel pinatigil na sa DPWH

9/1/25, 5:25 AM

Ni Tracy Cabrera

PORT AREA, Maynila — Sinuspindi na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pag-apruba ng mga personal foreign travel applications sa loob ng tatlong buwan habang lumalalim na ang imbestigasyon sa kontrobersiya ng mga iregularidad sa mga flood control projects nabkinasasangkutan ng mga opisyal at kawani ng kagawaran.

Sa memorandum na inilabas nitong nakaraang linggo lang, ang suspensyon ay pinagutos ni DPWH secretary Manuel 'Manny' Bonoan, na ngayo'y nagbitiw naman sa kanyang puwesto bilang punong ehekutibo ng ahensya.

“Effective immediately until the end of November 2025, or until further notice, all requests for authority to travel abroad for personal reasons are suspended,” saad sa direktiba ng nag-resign na kalihim para idiin na alinsunod ang memorandum sa commitment ng DPWH para sa transparency, accountability at integrity.
Kasunod ang suspensyon sa pagsisiyasat ng House Congressional Infrastructure Committee (INFRACOM) sa sinasabing mga anomalya sa mga flood control project.

Una rito, inutos ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. sa DPWH na magsumite ng kumpletong listahan ng mga proyektong pinatupad ng kagawaran simula noong 2022 makaraang personal in ininspeksyon ang substandard flood control project sa Oriental Mindoro.

Ayon kay House spokesperson Princess Abante, iimbestigahan ng INFRACOM ang lahat ng bagay ukol sa korapsyon sa DPWH.

“You can’t just accuse; there must be proof. That’s where INFRACOM comes in,” punto ni Abante sa layuning panagutin ang sinumang sangkot mula sa mga executive officials hanggang sa mga malbabatas.
Sinabi pa nito na bukas ang Komite sa pagtatag ng isang independent body na siyang mag-iimbestiga kung mayroon sangkot na miyembro ng Kongreso.

Kinumpirma din ni Abante na paanyatahan ni INFRACOM chair representative Terry Ridon ng Bicol Saro party-list si Baguio City layor Benjamin 'Benjie' Magalong upang magprisinta ng ebidensya sa alegasyon niyang katiwalian sa ilang tinukoy na ahensya ng pamahalaan.

Si House spokesperson Princess Abante. (Larawan mula sa Bilyonaryo News Channel)

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page