NEWS
DoTr tiniyak sa publiko na ‘ligtas’ ang MRT
.jpeg)
File photo ni transportation chief 'Banoy' Lopez.
3/16/26, 4:30 AM
Ni Tracy Cabrera
DILIMAN, Lungsod Quezon — Sa gitna ng alegasyon na may panganib sa operasyon ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3), siniguro sa publiko ni Department of Transportation (DoTr) secretary Atty. Giovanni 'Banoy' Lopez na ligtas ang MRT, lalo na't sumailalim ang trend sa mahigpit na technical evaluation sa routine basis.
Sa kanyang pahayag, itinanggi ni Lopez ang mga alegasyon ni Kamanggagawa party-list representative Eli San Fernando at maging ilang kawani ng MRT na nagsabing 'delikado' sumakay ng four-car train nito dahil ang sistema ay dinisenyo para sa three-car train lamang.
Sa video para sa DoTr nitong Biyernes ng nakaraang linggo, nakipagusap si San Fernando sa mga miyembro ng MRT-3 Employees Association at sa pulong, nabanggit na ang four-car train ay mapanganib dahil sa deficiency sa disenyo at sistema.
Subalit isinantabi ng DoTr ang agam-agam ni San Fernando at ng train staff sa kabila ng akusasyon nitong winawalang halaga ang usapin ni MRT-3 general manager Mike Capati.
“The system to make the running of the train safe currently fits the tree-car (trains). But what General Manager Capati is doing is to run four cars,” hinayag ng mambabatas sa nabanggit na video kasama ang ilang train employee, na nagpakitang anim na four-car train ang pinapatakbo kada linggo kahit “Ang mga signaling system ay hindi angkop para sa four-car train.”
Naobserbahan din ng mga empletado na ang mga bagong billing Dalian train ay hindi pa handang gamitin dahil kulang sa training ang mga driver.
Bilang tugon, idiniin ng DoTr na walang katotohanan ang mga alegasyon at ang signaling system para sa railways ay pumasa sa assessment ng French rail consultant firm SYSTRA at kaya nitong “suportahan ang mga four-car train na tumatakbo mula North Avenue hanggang Taft Avenue.”
“The Dalian trains can not operate without passing assessments and we continues to coordinate with drivers to “ensure their operational readiness, and safety preparedness,” pinunto ni Secretary Lopez.
Sa huli, hinimok ng kalihimang lahat na huwag nang gawing isyu ang operasyon ng MRT, lalo na sa gitna ng krisis sa Gitnang Silangan na dahilan ng pagtaas ng presyo ng langis, habang mas mahalagang isulong sa mga commuter at motorista na sumakay ng mga rail line para makapagtipid sa gasolina.
“Now is not the time for politics. The severe crisis facing the entire world is no joke, so we should help the people especially the commuters,” kanyang pagtatapos.
