NEWS
Digmaan sa Middle East malapit nang matapos - Trump

Photo from tnt.abante.com.ph
3/10/26, 9:35 AM
Kumbinsido si US President Donald Trump na malapit nang magtapos ang patuloy na lumalalang giyera sa Middle East ngunit hindi niya masabi kung kailan.
Ngunit iginiit ng kalaban nitong Iran na patuloy na lalaban ang kanilang bansa at hindi pinagiisipan ng kanilang mga lider na makipagusap sa Estados Unidos bagamat umabot na sa ika-11 araw ang giyera.
“I don’t think talking with the Americans would be on our agenda anymore,” sinabi ni Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi sa isang news interview nitong Martes (Marso 10).
Bago ito, sinagot ni Trump ang mga reporters sa isang ambush interview na nalalapit na ang katapusan ng digmaan.
“I think soon. Very soon,” tugon ni Trump sa news media na nagtanong kung gaano pa ang itatagal ng labanan.
Dagdag ng US chief executive: “Everything they have is gone, including their leadership.”
Tinukoy ni Trump ang pagpatay sa yumaong Iranian Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei, na pinalitan na ng kanyang anak na si Mojtaba Khameini sa nasabing pwesto.
Samantala, patuloy pa rin ang pag-atake ng mga missiles ng Iran sa Israel, Saudi Arabia at Kuwait.
Ayon kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang military offensive ng Israel sa Iran ay hindi pa nagtatapos.
“Our aspiration is to bring the Iranian people to cast off the yoke of tyranny; ultimately, it depends on them. But there is no doubt that with the actions taken so far, we are breaking their bones — and we are not done yet,” pahayag ni Netanyahu.
