NEWS
DFA nagbabala sa mga Pinoy na ginagawang sundalo ng ibang bansa

Photo from GMA Integrated News
2/11/26, 10:47 AM
Ni Ralph Cedric Sabado
Kung nais ng mga Filipino sa ibang bansa na mapanatili ang kanilang pagiging Pinoy huwag na dapat nilang tangkaing sumama sa mga sandatahang lakas ng ibang bansa.
Ito ang payo ng Department of Foreign Affairs na nagbabala ng mga seryosong problemang legal na kakaharapin ng mga Filipino sakaling magpa-enlist sila sa military ng mga bansang kanilang kinaroroonan.
Sa isang advisory, sinabi ng DFA na maraming mga job offers ang ina-aplayan ng mga Pinoy ngunit may ilan dito na nangungumbida ng pagsali sa military ng ibang bansa.
Ang mga recruitment presentation ay iitinatago bilang regular civilian employment, paliwanag ng departamento.
“Participation in foreign armed conflicts exposes Filipinos to grave danger and serious legal consequences,” paliwanag ng tagubilin ng DFA.
Sinabihan ng DFA ang mga naghahanap ng trabaho sa ibang bansa na siguraduhin mabuti na ang mga inaaplayan nilang job opening ay hindi para maging sundalo ng ibang bayan.
“Recruitment into foreign armed forces, whether directly or indirectly, may violate Philippine laws and lead to loss of citizenship,” dagdag pa ng DFA.
Inilabas ang babala matapos na makatanggap ang Pilipinas ng report mula sa military intelligence ng Ukraine na isang Filipinong nagngangalang John Patrick ay nasawi sa bakbakan sa Novoselivka sa Donetsk, Eastern Ukraine habang nagsisilbi para sa sandatahan lakas ng Russia.
Pinaniniwalaan na ang Russia ay nag-re-recruit din ng mga North Koreans upang magsagawa ng patuloy na pag-atake sa Ukraine.
