NEWS
DFA nagalit sa babala ng Chinese Embassy sa trabaho ng mga Pinoy sa China
.webp)
Photo from policefilestonite.netpolicefilestonite.net
2/17/26, 12:49 PM
Ni Ralph Cedric Sabado
Pinagsabihan ng Department of Foreign Affairs ang Chinese Embassy nang magbabala ito na ang paglamat ng pagkakaibigan ng dalawang bansa ay maaaring magdulot ng pagkawalan ng milyon-milyong trabaho para sa mga Filipino.
Ayon sa DFA ang mga ganitong salita mula sa embahada ng China ay maaring magdulot ng pakiramdan na pagiging “coercive” at maaaring magpahina ng kagustuhan ng Pilipinas ng diyalogo.
Sa isang pahayag ng Chinese Embassy sa Maynila nagbabala ito na ang mga panukala ng mga senador ng Pilipinas na ideklarang persona non grata ang isang diplomat ng China ay magdudulot lamang ng malaking diperensya sa relasyong pangekonamya ng dalawang bansa.
Nagbabala rin ang embahada na milyon-milyonng trabahong mga Pilipino ang maaring maging resulta ng mga maanghang na deklarasyon ng mga senador.
Ipinahayag din ng ilang senador na dapat pabalikin na sa Beijing ang ambassador ng China sa Pilipinas.
Bagamat idiniin na ang pagmamabutihan ng mga bansa ay nakapagpapalakas ng benepisyong pang-ekonomika at kultural, sinabi ng DFA na ang tono ng pananalita ng Chinese Embassy ay nagpapahiwatig ng ang koooperasyon ay maaaring gamitin bilang “pressure.”
“In the current atmosphere, this framing risks being perceivedas coercive and undermines constructive bilateral dialogue,” pahayag ng DFA.
Dagdag ng ahensya: “The DFA once again urges the Chinese Embassy to adopt a responsible and measured tone in public exchanges.”
Idiniin ng DFA na tapat ang bansa sa pagsulong ng diplomasya upang mapanatili ang katahimikan at ipagpatuloy ang bilateral relations sa gitna ng pagkaka-iba ng posisyon.
