top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Dating Miss Philippines-Earth 2013 runner-up, patay sa ambush; mga anak saksi sa krimen

Photo from bandera.inquirer.net

2/14/26, 10:53 AM

Ni Ralph Cedric Edralin

ROXAS, Isabela - Tinadtad ng bala ang isang guro at dating runner-up sa Miss Philippines-Earth beauty pageant habang nakasakay sa kaniyang SUV sa harap ng kanilang bahay sa San Manuel, Isabela sa bisperas ng Valentines Day.

Namatay si Lullete Jane Ramilo De-Guzman matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin. Nagtamo ang biktima ng mga sugat mula sa bala sa kanyang mukha, tagiliran at leeg.

Isinugod pa rin siya sa Manuel Roxas District Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Ayon sa paunang imbestigasyon, kasama ni De Guzman ang tatlo niyang anak sa kaniyang Toyota Fortuner nang tapatan ito ng isang lalaking sakay ng motorsiklo na walang plaka.

Kabababa pa lamang umano ang ama ng biktima upang buksan ang gate ng kanilang garahe.

Bagamat hindi nasaktan ang mga bata, nagka-trauma umano sila sa nasaksihang pa-traydor na pagpaslang sa kanilang ina.

May ilang motibo ang sinusundan ng mga imbestigador na dahilan ng pagpatay sa biktima.



Ayon kay San Manuel police chief Major Rogelio Natividad ang dalawa dito ay personal at kaugnay sa kanyang trabaho.

Si De Guzman ay pumasok bilang isang guro matapos na sumali siya sa Miss Philippines Earth 2013.

May live-in partner si De Guzman na nagngangalang Clifford De la Cruz, Agad umano siyang umuwi sa Isabela at inaasahang magbibigay ng kanyang salaysay sa pulisya.






Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page