top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Dagdag presyo ng produktong petrolyo tuloy pa rin sa isang linggo

3/12/26, 9:30 AM

Ni Ralph Cedric Edralin

Hindi pa rin huhupa ang dagdag sa presyo ng mga produktong langis sa darating na linggo.

Sinisi ng Department of Energy sa pagtaas ng halaga ng petroleum products ang patuloy na kawalan ng kasiguruhan sa pandaigdigang merkado ng krudo na sanhi ng Middle East conflict

Noong Martes lamang, nagsitaasan sa double digit na PhP10 ang bawat litro ng mga produktong petrolyo matapos na harangin ng Iran ang Strait of Hormuz kung saan dumaraan ang at 20 porsiyento ng suplay ng krudo sa mundo.

“Ang sigurado ko diyan ay may increase tayo for nextweek. Hindi kumakalma ang merkado,” sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin sa interview of state television PTV.

Dagdag ni Garin: “There will be an increase but I don’t know hjow much yet.”

Ipinaliwanag niya na bagamat magtatataasan ang presyo, patuloy naman ang steady supply ng produkto para sa bansa.

Dismayado naman ang International Energy Agency na hindi masyadong nakatulong sa pagkalma ng presyo sa pandaigdigang merkado ang desisyon nitong paluwagin ang release ng produktong langis mula sa strategic reserves.

Nagpasya ang IEA noong Martes na mag-release mula sa strategic reserves sa pag-asang bababa ang presyo ng produkto.

Ayon sa IEA binitiwan nito ang 400 milyon bariles ng langis mula sa reserves upang punuan ang kakulangan ng suplay sa mundo dahil sa banta ng Iran na pasasabugin ang mga oil tankers na dadaan sa Strait of Hormuz.

Bukod sa sa bantang mga missile attacks sa oil tankers, naghulog na rin umano ng mga mina sa Hormuz ang Iran.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page