top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Dagdag pamasahe sa bus, jeepney atbp sisimulan sa Marso 19

3/17/26, 1:15 PM

Ni Joyce Sabado

Aprubado na sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pangkalahatang dagdag pamasahe sa mga pampublikong sasakyan.

Sa isang pulong balitaan nitong Martes (Marso 17) ipinahayag ni LTFRB Chairman Vigor Mendoza na ang dagdag pamasahe ay paiiralin ng mga jeepney, transportation network vehicle services, at iba pa.

Para sa tradisyonal at modernong jeepney ang dagdag pamasahe ay PhP2 para sa base rates. Magdadagdag din ng per-kilometer fares.

Halimbawa, kung ang kasalukuyang singil sa modern jeepney ay PhP23.8, ito ay itataas sa PhP26.

Para sa mga ordinaryong bus, dagdag PhP2 rin ang ipapataw at PhP3 naman para sa airconditioned buses.

Ang nga provincial buses ay madaragdagan din ng average na mula sa PhP1.90 -PhP2.20 bawat kilometro.

May PhP20 dagdag pamasahe para sa TNVS.

Para naman sa mga airport taxis, ang base fare ay tataas mula PhP75 paakyat sa PhP155.

Magiging epektibo ang dagdag pamasahe sa darating na Huwebes (Marso 19).

Ipinaliwanag ni Mendoza na ang pagtaas ng mga pamasahe ay sanhi ng mabibigat na dagdag presyo sa mga produktong langis.

"The price of fuel si the primary driver of the fare hike, but the LTFRB has also taken into account a rise int he price of spare parts and maintenance, as well as increases in the average minimum wage,’," ayon kay Mendoza.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page