top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

LATEST NEWS

CBCP, Gatchalian umalma laban sa lumalaganap na online gambling; celebrities binatikos

7/3/25, 6:40 AM

Bumalik sa eksena ng kontrobersiya ang lumalaganap na on-line gaming sa bansa matapos na umalma ang isang obispo ng simbahan Katoliko at isang senador laban sa sugalan sa internet.

Sinabi naman ng mga kritiko ng online gambling na kakutsaba ng operators ang maraming sikat na showbiz celebrities sa paghikayat sa publiko na magsugal sa internet.

Sa kanyang social media post noon Hunyo 30, binatikos ni Cardinal Pablo Virgilio David ang pamahalaang Marcos sa pagkukulang nito na protektahan ang mga Filipino, higit ang kabataan, sa pagiging mga “gambling addicts.”

Inihain naman ni Sen. Sherwin Gatchalian ang isang panukalang batas na naglalayong higpitan ang regulasyon sa on-line gambling na lubha nang nakaka-apekto sa pamumuhay ng mga Filipino, kasama na dito ang mga kabataan.

“Who needs to sneak into a high-end casino when the casino has been brought into every living room, every bedroom, every child’s pocket -right there on the glowing screen of a smartphone?” sinabi ni David na siya ring namumuno sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Hindi rin nakatakas sa puna ang mga celebrities at mga influencers na nag-eendorso ng mga gambling apps sa social media.

Inakusahan ng lider simbahan ang mga kilalang mga artista at influencers na nagbebenta ng kanilang talento at kasikatan sa mga “conscience-less billion

billionaires.”

Sa bill ni Gatchalian, ipagbabawal na ang paggamit ng mga e-wallets at hihigpitan ang online gaming regulations.



Ang panukalang batas ay magtatakda rin ng minimum top-up threshold na PhP10,000 upang maiwasan ang paggamit ng e-wallets tulad ng GCash at Maya upang magamit sa online payment platforms para sa suga.

Magtatakda rin ng regulasyon sa promotion at advertisement para sa online gaming.

"Many families have had their futures destroyed because of online gambling, which are made easier by e-wallet,” paliwanag ni Gatchalian sa isang press briefing.

Photo from radyopilipinas.ph

Comments

Bagikan Pemikiran AndaJadilah yang pertama menulis komentar.
bottom of page