top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Appeal ni Emman Pacquiao sa showbiz masusubukan na ngayon Marso

3/13/26, 10:00 AM

Ni Joyce Sabado

Magkakasubukan na kung aapela sa publiko ang sumisikat na boksingerong si Eman Bacosa Pacquiao na pumasok na sa larangan ng showbiz.

Malalaman na rin kung click ang tambalan ni Eman at GMA star Jillian Ward na siya kasalukuyang pinagpapares ng movie press.

Hindi pa ipinaaalam kung ano ang magiging role ng anak ni Filipino boxing icon Manny Pacquiao sa pelikulang “Never Say DIe” na pangungunahan ni Jillian at David Licauco.

Papasok na sa produksyon si Eman simula Marso 16.

Ang batang Pacquiao ay pumirma kamakailan lang sa Sparkle Artist Center. Dito niya nakilala si Jillian.

Matapos na aminin na crush ni Eman ang dalaga, agad naman inireto na ang dalawa at unti-unti nang nagkakaroon ng traction sa publiko ang binubuong tambalan.

Hindi naman ikinaila ni Jillian na natutuwa siyang maging kaibigan ang bagitong si Eman.

Isang political drama ang Never Say Die na nagsimulang maipalabas noong Pebrero 2.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page