top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

“Good luck” - Tugon ni BBM sa presidential bid ni VP Sara

Photo from newsinfo.inquirer.net

2/18/26, 10:29 AM

“Good luck!”

Ito ang nasambit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang ibalita sa kanya na nagdeklara ng pagtakbo bilang pangulo ang kanyang 2022 runningmate na si Bise President Sara Duterte sa darating na 2028.

Hindi naman masiguro ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro kung may halong panunuya ang nasabi ni Marcos sa plano ni Duterte.

“Kung sarcastic ‘to o hindi, hindi ko masasabi,” ayon kay Castro.

Tumugon si Castro sa pagbatikos ni Duterte sa pangulo na umanoy kakulangan nito sa katapatan upang ipatupad ang mga pangakong nabitiwan noong 2022 presidential campaign.

Humingi ng paumanhin si Duterte sa naging desisyon niyang suportahan si Marcos sa pagtakbo niya bilang ikawalang pangulo.

Idiniin ni Castro na ang mga mamamayan ang pumili kay Marcos kung kaya ito nanalo.

“Humingi siya ng kapatawaran na tinulungan niya sa pangangampanya. Tandaan po natin, ang taong bayan ang naghalal kay Pangulong Marcos Jr,” paliwanag ni Marcos.

Dagdag niya: “Kung ano man poang natulong niya (Duterte), pareho naman po silang nagtulungan dahil ito ay Uniteam. Kaya huwag niya po solohin ang credit kung nanalo man ang pangulo.”

Naging popular na paniniwala na si Duterte nga ang nagdala kay marcos upang matalo nito ang mga malalakas na kandidato tulad nina dating Bise Presidente Leni Robredo at ang sikat pa noon na si Senador Manny Pacquiao.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page