top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Wala pa rin pahinga sa oil price hike sa susunod na linggo; presyo ng tubig tataas din

3/13/26, 12:08 PM

Ni Samantha Faith Flores

Wala pa rin nakikitang pahinga sa pagtaas ng presyo ng mga produktong langis sa Pilipinas at iba pang parte ng mundo habang patuloy naman sinasakal ng Iran ang daanan ng mga oil tankers sa Strait of Hormuz.

Bukod sa gasolina, krudo at kerosina, nagbabadya rin ang pagtaas ng halaga ng tubig at koryento, ayon sa mga ulat.

Double digit pa rin ang itataas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa darating na Martes bagamat inaasahan pa rin na hindi bibiglain ang kabuuang dagdag presyo.



Base sa apat na araw na trading sa Means of Plats, Singapore, may posibilidad na umabot hanggang PhP16 bawat litro ang idadagdag sa presyo ng gasolina habang PhP21 naman para sa krudo.

Pinulong naman sa Malacañang ang mga malalaking kumpanya ng langis sa bansa upang hilingin sa kanila na siguruhin ang sapat na suplay ng produkto para sa bansa.

Nagkakaroon na rin ng malaking peligro sa pandaigdigang suplay ng krudo mula sa Middle East dahil sa pagtarget ng Iran sa mga barko at iba pang mga dating supplier ng petrolyo.

Samantala, nagpahayag ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office (MWSS-RO) na magpapatupad ito gn dagdag presyo sa suplay ng tubig sa Abril.

Lusot dito ang mga customer na gumagamit lamang ng hindi lalagpas sa 20 metro kubiko ng tubig.


Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page