top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Utang ng Pilipinas lumobo sa record high PhP18.16-T

4/1/26, 8:30 AM

Ni Ralph Cedric Edralin

Lumobo na sa PhP18.16 trilyon ang kasalukuyang utang ng pamahalaan - pinakamalaki na umano sa kasaysayan ng bansa.

Mula sa PhP16.63 trilyon noong Pebrero, 2025, nadagdagan ng 9.19 percent of PhP1.53 trilyon ang utang ng gobyerno makalipas ang isang taon, ayon sa ulat ng Bureau of Treasury na pinalabas nitong Miyerkules (Abril 1).

Higit na baon sa utang ang Pilipinas noong Enero 2026 kumpara sa Pebrero ng parehong taon. Nasa PhP18.13 trilyon ang kabuuang utang noong Enero.

Tumaas ang pagkakautang dahil sa karagdagang hiniram na pera mula sa mga lokal na fund sources. Ang pera ay ginamit upang pondohan ang iba’t-ibang development projects para sa bayan.

Bagamat record high ang lebel ng utang nitong Pebrero, 2026, maliit pa umano ang itinaas, ayon sa ahensyang ingat yaman ng bansa.

“The modest uptick underscores the government's stable and well-managed debt position amid evolving global financial conditions,” paliwanag ng BOT.

Dagdag ng ahensya: “This was largely driven by the continued prioritization of domestic financing to protect the government's debt position from unfavorable external developments.”

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page