top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Supermarket owners: Pagtaas ng presyo ng bilihin hindi na maiiwasan; pwedeng dahang-dahan

3/28/26, 12:00 PM

Ni Ralph Cedric Edralin

Hindi na malulusutan ang pagtaas ng mga presyo ng basic commodities sa mga supermarket sa bansa dahil sa patuloy na paglipad ng presyo ng mga produktong petrolyo sa buong mundo.

Ngunit nangako si Steven Cua, pangulo ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association (PAGASA), na hindi magiging biglaan ang pagakyat ng mga presyo ng kanilang mga produkto.

Bagamat sigurado ang pagtaas ng prices, magiging gradual naman ang idadagdag sa kasalukuyang presyo ng mga prime commodities at iba pang mga items sa mga groceryl.

Ayon kay Cua ang mga factory ay nagsagawa ng mabilisang paggawa ng kanilang mga produkto upang masiguro na may supply sa gitna ng tensyon sa Gitnang Silangan.

Ang mga manufacturers ay nagdagdag ng produksyon sa kanilang mga planta sa paniniwalang kailangan maging handa sa mga masamang epekto ng giyera sa Middle East.

Ipinaliwanag ni Cua na ang timing at dami ng pagdagdag sa presyo ay nakasalalay sa desisyon ng mga manufacturers.

Isinasaalang- alang din dito ang kilos ng kanilang mga kalaban sa merkado.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page