top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Senior citizens muling puntirya ng viral fake video ukol sa driver’s license

Photo from bilonaryo.com

2/25/26, 8:14 AM

Ni Samantha Faith Flores

Nagbabala ang Land Transportation Office tungkol sa pekeng viral video na umanoy nagbabalita na magkakaroon ng bagong patakaran para sa mga senior citizens na kukuha ng lisensya.

Tinutukoy ng LTO ang video na may pamagat na “BAGONG BATAS 2026! SENIOR DRIVERS 60+ ALERT! MARCH 1 NA!”. May litrato ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at lisensya ang mapalinlang na video.

Nanawagan ang LTO sa publiko na huwag na i-share ang fake video na tila produksyon ng AI o artificial intelligence.

“Walang inilalabas na direktiba o memorandum ang LTO na nagpapataw ng panibago o karagdagang patakaran para sa pagkuha o pag-renew ng driver’s licesne ng mga senior citien,” ayon sa LTO.

Ipinaliwahag ng ahensya na nananatiling sinusunod ang kasalukuyang polisiya at pamamaraan.

Sa nasabing video, ibinalita na ang mga bagong patakaran na susundin umano ng mga nakatatandang Filipino ay ipapatupad na sa Marso 1.

Niloloko rin nito ang publiko sa pagsabing dapat magpatingin muna sa doktor at kumuha ng medical certificate ang mga senior citizens na nais magpa-renew o mag-aplay ng lisensya.

Sinabi pa na tanging sa LTO-accredited clinics lamang dapat magpa-check up at kumuha ng medical clearance.

Marami nag-share ng pekeng video kahit hindi man lang nila inalam kung tunay o hindi ang nilalaman nitong impormasyon.



Halatang mga senior citizens ang puntirya ng panlalansi sa pamamagitan ng walang katotohanang impormasyon.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page