NEWS
Remittances bumagsak ng halos 14% sa $3.36-B nitong Enero

3/18/26, 8:56 AM
Ni Tracy Cabrera
MALATE, Maynila — Bumagsak ang dollar remittances mula sa mga overseas Filipino (OFs) sa 13.7 porsyento sa US$3.36 bilyon nitong nakaraang Enero mula sa all-time high noong Disyembre sa US$3.9 bilyon, batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa kabila ito na tumaas ang personal remittances, na kasama ang pinadalang cash sa pamamagitan ng bangko at mga informal channel, ng 3.5 porsyento sa US$3.36 bilyon mula sa US$3.24 bilyon sa nakaraang taon.
Gayun man, sa cash remittances pa kang ay Umabot sa US$3.02 bilyon, na 3.5 porsyentong mas mataas sa nakalipas na taon sa US$2.92 bilyon subalit 14.3-porsyentong mababa kung ihahambing sa US$3.52 bilyon sa nakaraang Disyembre.
Ang bulto ng cash remittances na US$2.41 bilyon, mataas sa US$2.33 bilyon nitong 2025, ay mula sa mga land-based worker habang yaong pinadala ng mga sea-based worker ay tumaas naman sa US$610 milyon mula sa US$590 milyon.
Tinukoy ni Reyes Tacandong & Company senior adviser Jonathan Ravelas na ang pagbagsak ng remittances mula Disyembre ay sanhi ng mga seasonal factor makaraan ang Kapaskuhan, ngunit binigyan pansin din niyang mataas ito kaysa nakalipas na taon upang ipakitang matatag pa rin ang income ng ating overseas Filipino workers (OFWs).
“A weaker peso and steady overseas employment continue to support flows. (But) looking ahead, the Middle East conflict adds uncertainty and could cause month‑to‑month volatility, (. . .) unless it leads to widespread job losses or payment disruptions. (Even then), full‑year remittance growth should stay positive,” pinunto ni Ravelas sa Ingles.
“For households, the priority is to use remittances wisely—rebuild savings, reduce debt and be cautious with spending given ongoing global risks,” dagdag niya bilang payo na rin.
Ayon sa BSP monitoring, remittances mula sa Estados Unidos ang nagbigay ng pinakamalaking share na 40.2 porsyento, kasunod ng Singapore sa 7.6 porsyento; Saudi Arabia, 6.7 porsyento; Japan, 5.8 porsyento; at United Kingdom, 4.6 porsyento.
