top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Pag-aresto kay Co sa Portugal may koordinasyon na- PBBM

Photo from Inquirer

3/11/26, 6:30 AM

NEW YORK - Positibo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na madarakip at maiuuwi na rin sa Pilipinas si dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co dahil sa matagumpay na pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa mga awtoridad sa Portugal.

Sa isang pulong balitaan dito New York, kinumpirma ni Marcos na patuloy pa rin nagtatago sa Portugal si Co.

Walang extradition treaty ang Pillipinas at ang Portugal kung kaya hindi agaran ang kustodiya ni Co. May jurisdictional limits na sinusunod ang Pilipinas.

“You cannot bring him home because that is not the way it works. We have to ask for the assistance of the country where he is in, which is presently Portugal. That is what we have done,” paliwanag ng pangulo.

“You do not send your own police to go and pick him up ksi wala namang jurisdiction ang pulis (ng Pilipinas) doon sa kung saan iyong ibang bansa. So they cannot arrest anyone,” sinabi ni Marcos.

Dagdag niya: “ So iot will have to be with the assistance of the host country.”

Si Co ang tinutukoy na isa sa mga nagplano at nagsagawa ng malawakang korapsyon na nauugnay sa multi-billion peso ghost flood control projects.

Ngunit sa kanyang mga ipinadalang video sa Philippine media, inakusahan ni Co si Marcos, ang kanyang pinsan na si dating Speaker Martin Romualdez at iba pang mga personalidad na umanoy nasa likod ng scam na pinagkitaan umano nila ng bilyon-bilyong piso.

Ayon kay Co tinanggap ni Marcos, Romualdez at iba pang malalapit sa kanilang mga pulitiko ang male-maletang pera bilang kanilang mga kickback sa raket.

Ipinaliwanag niya na hindi niya kayang isugal ang kanyang buhay sa pamamagitan ng paguwi sa Pilipinas. Naniniwala rin siya na dahil sa pinakamatataas na opisyal ng pamahalaan ang kanyang idinawit sa scam, hindi siya makaaasa ng parehas na paglilitis sa mga kasong isinampa sa kanya.

Kinasuhan ng pamahalaan si Co dahil sa pagkakasangkot ng anomalya sa likod ng PhP289.5-milyon flood control project sa Oriental Mindoro na nai-award sa Sunwest Inc., na umanoy construction company ng kanyang pamilya.

Kamakailan lamangay nag-isyu ang Sandiganbayan Sixth Division ng direktiba upang pansamantalang maipasailalim ng korte ang kanyang mga ari-arian.

Tinaggihan din ng korte na pagbigyan ang petition for bail na kanyang hiniling sa korte.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page