top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Mayweather-Pacquiao rematch sa Sept. 19 ikinasa sa Las Vegas

2/24/26, 3:01 AM

Makaraan ang 11 taon na kontrobersiyal ngunit record-breaking boxing showdown, muling maglalaban sina Filipino boxing icon at ang gumapi sa kanyang Amerikanong si Floyd Mayweather Jr.

Ang rematch na inaasahang muling bubuhay sa tumatamlay ng world boxing scene ay opisyal na isasagawa sa Setyembre 19 sa Las Vegas.

Sina Pacquiao at Mayweather ay parehong namayagpag sa kasaysayan ng boksing sa mundo at pareho nang retirado nang maisipang umakyat muli sa ring. Kapwa sila Hall of Famers.

Maigsi lamang ang pagpapahinga ni Pacquiao at ito ay nangyari matapos niyang manilbihan bilang senador.

Nitong linggo, nagpahayag si Mayweather na babalik na sa professional boxing nitong 2026 at ipagsasapalaran ang 50-0 niyang record.

Sa kauna-unahang pagkakataon mabibinyagan sa boksing ang entertainment venue na Sphere sa Las Vegas, ang napiling lugar ng Pacquiao-Mayweather fight.

Ngunit bago ito magkakaroon muna ng magkahiwalay na exhibition matches ang dalawang boxing idol

Haharap si Pacquiao, 47, kay Rusian Provodnikov sa Abril 18 samantalang nagiisip naman ituloy ni Mayweather ang kanyang pinakahihintay na laban kay dating undefeated heavyweight champion at retiradong si Mike Tyson.

Maaalala na nagtala ng record sa kasaysayan ng telebisyon sina Pacquiao at Mayweather dahil sa kanilang pay-per-view buys na pumalo sa 4.6 million sa Estados Unidos sa laban nila noong 2015.

Samantala, ang live gate o kinita sa ticket sales sa mismong venue ng laban ay umabot sa tumataginting na $72 milyon.

Ang welterweight championship na ito ay pinanalunan ni Mayweather sa gitna ng akusasyon nagtatakbo lamang siya upang maiwasan ang matinding suntok ni Manny. Ito ang ikinainis ng milyon-milyong nanood na nagprotesta laban sa Amerikanong kampeon.

Matapos ang ilang taon ng pag-retiro, bumalik si Pacquiao sa ring at kailan lamang ay lumaban kay WBC welterweight champion Mario Barrios. Malinaw ang panalo ni Pacquiao sa laban at siya sana ay tatanghalin na ikalawang pinakamatandang kampeon sa larangan ng world boxing.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page