top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

LATEST NEWS

Makabayan bloc sa utos ni PBBM na lifestyle check: Ikaw ang mauna

8/27/25, 10:34 AM

Ni Ralph Cedric Rosario

Sinusuportahan ng Makabayan bloc ang utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipa-lifestyle check ang lahat ng mga opisyal ng pamahalaan ngunit mauna dapat ang punong ehekutibo na sumailalim dito.

Ayon sa mga mambabatas ng Makabayan, ang pagkilos ni Marcos ay dapat ituring na isang desperadong pagtatangka na ilihis ang atensyon mula sa malawakang korapsyon at kawalan ng transparency ng kanyang administrasyon.

Ipinagutos ng pangulo ang lifestyle check sa lahat ng mga opisyal ng pamahalaan kaugnay ng flood control scandal.

“Marcos should be the first one sicne he has confidential and intelligence funds and has controlver over the implementation of the entire budget as chief executive,” ayon kay Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio.

Dagdag ni Tinio: “The President cannot absolve himself from corruption investigation simply by subjecting others to the same process. As the chief executive who controls billions in confidential and intelligence funds, with zero transparency requirements, Marcos bears ultimate responsibility for the culture of corruption that has flourished under his watch.”

Hinamon naman ni Kabataan Partylist Rep. Atty. Renee Louise Co si Marcos at Bise Presidente Sara Duterte na isapubliko ang kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth.

“Ang mga Marcos at Duterte ang dapat unang sumalang dito (lifestyle check),” diin ni Co.

Ayon sa kanya matinding pagkukunwari ang panawagan para sa lifestyle check sa mga nasa ibaba habang ang pinakamataas na opisyal ay nananatiling hindi accountable.

.“Sa totoo lang, mabibilang lang sa daliri ang mga opisyal na naglalabas ng kanilang SALN,” dagdag pa ni Co, na binigyang-diin ang palagiang pagtatago ng administrasyon.

Sinabi ni Co na ang isyu ng katiwalian sa flood control projects ay hindi lamang simpleng kaso ng mga tiwaling opisyal sa DPWH—ito ay repleksyon ng bulok na sistemang pinapairal ng isang administrasyong inuuna ang interes ng iilan kaysa sa kapakanan ng nakararami

Idiniin niya na ang mga proyektong naging sanhi pa ng mas matinding pagbaha ay sintomas ng mas malawak na kabiguan ng pamamahala sa ilalim ni Marcos.

Ayon sa batang mambabatas malaking kabalintunaan nang sabihin ni Marcos na “Mahiya naman kayo sa mga kabahayan nating naanod o nalubog sa pagbaha” sa State of the Nation Addres ng pangulo.

Diniin niya hind dapat paniwalaan ang sinseridad ng Pangulo habang ang sariling ill-gotten wealth ng pamilyang Marcos ay ay nananatiling hindi maipaliwanag at ang kanyang administrasyon ay patuloy na nagpapasan sa mamamayang Pilipino ng mabigat na utang at mga bigong proyektong pang-imprastruktura.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page