NEWS
Land trip posibleng paraan ng repatriation ng libo-libong OFW mula sa magulong Middle East

Photo from nt.abante.com.ph
3/5/26, 2:19 PM
Ni Ralph Cedric Edralin
Posibleng mag-land trip na lamang ang libo-libong mga Filipino na magnanais ma-repatriate mula sa patuloy na dimaan sa Middle EAst.
Kinumpirma ito ni Migrant Workers Secretary Hans Cacdac matapos na mag-isyu ng direktiba si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kinakailangan gumawa ng paraan ang mga kaukulang ahensya upang maiuwi ang mga stranded na mga Filipino, karamihan sa kanila mga overseas Filipino workers (OFW).
May 1,189 OFW na ang nakikiusap sa pamahalaan na mailabas sila sa Gitnang Silangan.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Migrant Workers nitong Huwebes (Marso 5),sinabi ni Cacdac na masusing pinagaaralan na ng Department of Migrant Workers ang mga posible at ligtas na mga pamamaraan upang mailabas ang mga Filipino mula sa Middle East.
Hindi niya binanggit kung ano-ano ang mga ito upang mapangalagaan ang seguridad ng lahat.
“If the airspace and airports are closed, we have a land transport option to cross the border from an affected country to a safer country, and from there, people can fly home," ipinaliwanag ni Cacdac.
Dagdag ng opisyal: ‘Our plans include land transport to the border, though I cannot provide specific details at this time for security reasons.”
Sa kasalukuyan, mayroon nang isinasagawang mga test runs upang masubukan ang mga iniisip na paraan ng repatriation.
“We are dealing now with five countries, which w are coodinating to cross through their respective border points,” ayon kay Cacdac.
