NEWS
Labo-labo na sa Middle East; Trump umaming may isang buwan pa ang labanan

Photo from www.financialexpress.com
3/2/26, 1:30 PM
Lumawak at lalong naging madugo ang digmaan sa Middle East matapos na sumali na rin at alalayan ng mga kaalyadong armed groups ang Iran laban sa pinagsamang Israel at US forces.
Nakisali na rin ang mga Arab states na pinagbabayo ng Iran ng mga missile simula Sabado (Peb. 28) kayat nagdulot din ng kalituhan sa komunikasyon na nauwi sa pagpapabagsak ng tatlong US warplanes ng kaalyadong Kuwaiti military.
Tumindi ang paulanan ng missiles at nag-ibayo ang atake ng nagmukhang labo-labo ng mga Middle East countries matapos na mapatay ng US-Israel forces si Iranian Supreme Leader Ayatollah Ali Khameini.
Hindi rin nakatulong ang kakulangan ng plano kung paano dapat magtapos ang giyera samantalang nagbigay rin ng pangamba si US President Donald Trump na marami pang Amerikanong sundalo ang posible malagas sa pagtatagal ng labanan.
Ayon sa kanya, maaaring umabot pa ng hindi lalagpas sa apat na linggo ang labanan.
Nagsabi ang kasalukuyang rehimen ng Iran na hindi ito papayag sa pag-uusap dahil sa ginawang paglusob ng Israel at Us.
Nagkatotoo ang banta ng Iran na lulusubin nito ang mga kapitbahay na mga Islamic countries kung aatakihin ang bansa ng kalabang Amerika at Israel.
SA Kuwait, inamin ng US military na pinabagsak ng hindi sinasadyang pinabagsak ng Kuwait ang tatlong American F15E Strike Eagles na may misyon patungo sa Iran.
Ligtas naman matapos na makapag-eject ang anim na piloto ay pare-parehong nasa maayos nang kondisyon.
Ayon sa Iranian Red Crescent Society, may 555 katao na ang namatay sa bansa dahil sa walang puknat na paglusob ng mga Israeli at American forces.
Sa Lebanon, nagsabi si Prime Minister Nawf Salam na ang estado lamang ang may karapatang magdeklara ng digmaan at hindi ang Hezbollah. Hiningi niya naisuko ng grupo ang kanilang mga armas.
Binomba ng Israel ang Beirut noong Linggo bilang ganti sa pagpapasabog ng mga rockets ng Hezbollah.
