NEWS
Kiko Pangilinan: Singil sa travel tax dapat nang itigil

Photo from kikopangilinan.comkikopangilinan.com
2/17/26, 1:20 PM
Ipinatitigil na ni Sen. Francis “Kiko" Pangilinan ang pagsingil ng pamahalaan ng travel tax para sa mga Pilipinong mangingibang bansa.
Inihain ni Pangilnan ang Senate Bill No. 1843 upang agarang buwagin ang travel tax law na ayon sa kanya ay “economic burden” na pumipigil lamang sa kalayaan ng mamamayan na mangibang bansa.
“By lowering the cost of international travel, we expect to stimulate passenger volume, increase spending on transport, accommodation, food and services, and generate positive spillovers across the economy”, paliwanag ni Pangilinan sa explanatory note ng kan yang panukalang batas.
Dagdag ng senador: “Increased travel activity also strengthens people-to-people exchanges and supports the Philippines” positiioningas a competitie and accessible destination.”
Ipinaliwanag niya na ang kasalukuyang travel tax na PhP 2,700 para sa mga paseherong nasa first class at PhP 1,620 para sa economy class naman = ay karagdagang pahirap lamang sa mga mamamayan.
Hindi rin dapat na pahirapan pa ang mga Pilipino na makamit ang karapatan nilang mangibang bansa na ginagarantiyahan sa ilalim ng Article III, Section 6 ng 1987 Saligang Batas.
Sa halip na mangolekta ng travel tax, ang mga programang pinopondohan nito ay dapat na lang kunin mula sa budget ng Department of Tourism para sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (Tieza).
Ang panukala ni Pangilinan ay suportado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.