top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Iran nagbabala ng panganib sa mga tourist spots; US winding down na sa Middle East?

Photo from www.hispantv.com

3/21/26, 7:56 AM

Target ng Iran ang mga lugar pang-turista sa iba’t-ibang panig ng mundo na kaalyado ng United States.

Ito ang ipinahiwatig ng Islamic regime ng bansa matapos na ipahayag ni US President Donald Trump na nagpadala ng malaking grupo ng mga Marines ang Amerika upang simulan na ang ground assault sa Iran.

Ayon kay military spokesperson Gen. Abolfasl Shekarchi, magiging mapanganib na ang mga “parks, recreational areas and tourist destinations” sa mundo kung magpapatuloy ang mga kalaban ng kanilang bansa ng pagbomba sa mga energy facilities ng Iran.

Hindi naman tugma ang nasabing plano sa isa pang pahayag ni Trump na “winding down” na ang military operation ng US sa Iran.

Ang winding down operations ay hudyat na tatapusin na ng Amerika ang digmaan na nagdulot lamang ng pagbagsak ng ekonomya ng maraming lugar sa mundo, kasama ang PIlipinas.

Sa kanyang social media post nitong Biyernes (Marso 20), sinabi ni Trump na pinagiisipan na niya na pababain na ang lebel ng military operation ng US laban sa Iran.

Ayon sa mga observers, ang ganitong pagiisip ng US president ay nagpapahiwatig na nasasaktan na rin ang kanyang bansa sa nangyayaring paghina ng ekonomya at pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Pinatindi pa ng Iran ang pag-atake ng mga drone at missile nito sa Israel at iba pang kalapit na bansa sa Middle East, ayon sa Israel.

Ito ay matapos na bombahin ng Israel ang South Pars offshore natural gas field ng Iran.

Samantala, nagpasalamat si Iranian Supreme Leader Ayatollah Mojtaba Khamenei sa mga kababayan dahil sa patuloy nilang supporta sa pamahalaan.

Sa isang statement na binasa sa Iranian television, minaliit ni Majtaba ang mga kalabang US at Israel sa mali nitong akala na ang pagpatay ng mga matataas na opisyal ng Iran ang magtutulak sa mga Iranian upang pabagsakin ang gobyerno.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page