top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

ICC tinaggihan ang apela ni Duterte na palabasin siya sa The Hague detention

Photo from www.icc-cpi.int

3/7/26, 8:45 AM

Mananatiling detenido si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kulungan ng International Criminal Court.

Ito ang naging pasya ng Appeals Chamber ng ICC na buong-buong sumang-ayon sa naunang desisyon ng Pre-Trial Chamber na noon ay nag-isyu ng direktibang idetine si Duterte sa The Hague.

Sa pahayag ng ICC, sinabi ng AppealS Chamber na walang sapat na dahilan na baligtarin nito ang dati nang desisyon ng Appeals Chamber.

“The Appeals Chamber unanimously confirms the impugned Decision,” diin ng korte.

Tinanggihan ng Appeal Chamber ang mga argumentong inihain ng mga abogado ni Duterte upang siya ay pakawalan.

Wala umanong nai-prisinta na bagong dahilan na makapagpapabago ng dating pasya ng Pre-Trial Chamber.

Si Duterte ay dinakip ng pamahalaan at ibinigay sa ICC sa The Hague, Netherlands noong Marso 12, 2025 matapos na maglabas ng arrest warrant upang ipagharap ng sakdal ng crimes against humanity laban sa dating pangulo.

Noon lamang Pebrero, nagsagawa ang Pre-Trial Chamber I ng pagdinig upang alamin kung sapat ang mga akusasyon sa kanya para sa pormal na bista ng kaso.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page