NEWS
DA : Sapat na pagkain aabot hanggang Hunyo

3/21/26, 7:30 AM
Ni Joyce Sabado
May sapat na pagkain para sa lahat ng Filipino sa gitna ng patuloy na pagtaas ng halaga ng produktong langis dahil sa Middle East war.
Ito ang ibinigay na pagseguro ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. matapos na magpahayag ng pangamba ang maraming Filipino sa epekto ng hindi mapigilang pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay Laurel ang suplay ng pagkain ay hindi dapat pangambahan.
“I can safely say that through June, even July, there is no issue on supply of almost everything,” pahayag ng kalihim sa isang media interview.
Sinabi niya na ang sapat na pagkain ay sinisiguro ng malaking imbentaryo at kasalukuyang ani.
Hindi rin problema ang supply ng bigas ayon sa report ng National Food Authority.
Kasalukuyang may 400,000 metriko tonelada ng bigas na sapat upang sa lahat ng Filipino hanggang sampung araw.
Inaasahan din ang mataas na harvest at dating ng mga imported na bigas upang pataasin pa ang tsansang tatagal ang stable rice supply.
