top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Bar association nag-alok maging ‘referee’sa Carpio-Marcoleta debate sa WPS

2/14/26, 11:59 AM

Ni Samantha Faith Flores

Payag ang Philippine Bar Association (PBA) na maging “referee” sakaling matuloy ang public debate na ikinakasa para kina retiradong Senior Associate Justice Antonio Carpio at Sen.Rodante Marcoleta.

Parehong kasap;i ng PBA sina Carpio at Marcoleta na kapwa abogado. Magkasalungat ang kanilang opinyon ukol sa kontrobersya sa agawan ng teritoryo sa South China Sea na kinahaharap ng Pilipinas at China.

Sa isang pahayag nitong Biyernes (Pebrero 13), sinabi ng samahan ng mga Pilipinong abogado na naniniwala ito na ang isang ‘open, reasoned and respectful exchange of views is essential to an informed citizenry.”

Nangako ang samahan na magiging neutral ito sakaling italaga ito upang magsagawa ng debate.

“We recognize that the matters concerning the West Philippine Sea carry significant implications. A structured debate - grounded in facts, law and civility would meaningfully contribute to national discourse,"paliwanag ng PBA.

Bukod sa pagaalok ng neutral na venue na may media at public access, nangako rin ang PBA na magtalaga ng mga moderators na dalubhasa sa isyu na pagdedebatehan.

Malinaw na rules ang ipatutupad upang masiguro ang parehas, maayos na dekorum at malinis na pagsasagawa ng debate.

Hindi pa nagbibigay ng pasiya ang kampo ni Carpio at Marcoleta.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page