top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

130 barko ng 'Pinas hinarang sa Hormuz?

Photo attachment: images (3)_edit_40310616857641.jpg

4/11/26, 12:00 PM

Ni Tracy Cabrera

NABASAG ang sinasabing pahayag ng administrasyong Marcos Jr. na pumayag paraanin ng Iran ang mga barko ng Pilipinas sa Strait of Hormuz makaraang mapaulat na mahigit 100 container vessel ng Pilipinas ang stranded ngayon sa mahalagang daluyan ng kalakalan, partikular na ang supply ng langis mula sa Gitnang Silangan.
Matatandaan ang inatasan ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. ang Department of Foreign Affairs (DFA) na makipagpulong sa mga kinatawan ng Iran upang hilingin na payagang dumaan sa Hormuz ang mga barkong may lulang supply ng langis at papunta ng Pilipinas.
Agad na isinagawa umano ito at ayon
kay foreign affairs secretary ​Maria Theresa Lazaro nagawa niyang kumbinsihin si Iranian ambassador Abbas ​Araqchi na tiyakin ang pagdaan ng Philippines-bound na mga container ship sa Hormuz at kaligtasan na rin ng mga Pilipino seaman.
Subalit ngayon, batay sa Isiniwalat ni Association of International Shipping Lines (AISL) president Patrick Ronas sa hearing ng Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform, lumilitaw na wala itong katotohanan dahil tinatayang 130 barko ng bansa ang naharang ngayon sa nasabing daluyan.
“Currently, there are about 130 container vessels that are actually trapped inside the strait. There have been a few ships that have been able to get out, but so far, there are hundreds of container vessels that are still inside the Strait of Hormuz,” paglalahad ni Ronas.
Idinagdag pa nito na sa kabila na pangkaraniwang ibinababa ang export ng Pilipinas sa halos lahat ng pantalan sa Strait of Hormuz, dahil sa peligro ng giyera, dinidiskarga na lamang ngayon ito sa Strait ng Khor Fakkan sa United Arab Emirates (UAE).
“Once containers are dropped to the area, they will now have to be trucked to the destinations all over the Middle East,” paliwanag ni Ronas.
“Basically, not only [is] fuel causing a lot of challenges for shipping lines or international shipping lines, but because of the vessels being trapped in the strait, a diversion of services is being done, reassessment of the network is also being done, as well as containers (are) r4being offloaded to other ports,” dugtong pa ng presidente ng AISL.
Dahil umano sa problema sa Strait of Hormuz, sinabi nito na ang mga barkong patungong Europe ay napipilitang dumaan na rin ibang Rita sa Cape of Good Hope. Dangan nga lang ay mas mahabang rota ito dahil nadaragdagan ng 10 hanggang 14 araw ang biyahe bago makarating sa destinasyon sa Europa.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page