NEWS
Walong katao patay sa sunog sa QC

2/27/25, 12:50 PM
Ni Ralph Cedric Rosario
Walong katao ang namatay habang isa naman ang nasugatan sa isang sunog na tumuok sa isang residential building sa Quezon City.,
Ayon sa mga mga arson investigators, maaaring tulog ang mga biktima nang magsimula ang sunog at nakulong na sila sa lumiliyab na tahanan at ito ang naging sanhi ng kanilang kamatayan.
Ang unang alarma ng sunog ay naitala bandang 2:02 am sa residential building na pagmamay-ari ni Ruth Capili sa Barangay San Isidro.
Mabilis naman kumalat ang apoy ngunit madali rin itong naapula matapos ang 24 minuto nang mai-ulat ito.
Hindi na binanggit ng Bureau of Fire Protection ang mga pangalan ng mga nasawi ngunit sinabi ang kanilang mga kasarian at edad: dalawang 34-anyos na babae; isang 29-anyos na lalaki, isang 2-anyos na lalaki, Isang 20 anyos na babae; isang 40-taon na lalaki; isang 12 anyos na lalaki at isang 15 anyos na babae.
Hindi rin nabanggit kung ano ang
Ang nasugatan naman ay kinilalang si Jophel Samosa, 36.
Wala pang iniulat na sanhi ng sunog na nagdulot ng PHP3.6-milyon damage to property.
