top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

VP Sara impeachment isinampa para sa 2028 pres’l bid ni Hontiveros?

Photo from inquirer.net

2/9/26, 1:17 AM

Ni Ralph Cedric Edralin

Katulad ni dating Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez, isinasakatuparan umano ni Sen. Risa Hontiveros ang planong masibak si Vice President Sara Duterte bilang katunggali sa 2028 presidential race.

Sa kanyang video message patungkol sa mga kasong impeachment na isinampa laban sa kanya ng Akbayan partylist, binansagan ni Duterte na mantsado ng pulitika ang ikinilos ng grupo.

Kinuwestiyon ng bise presidente ang credibilidad ng Akbayan na isang partylist na itinatag ni Hontiveros. Tatlong beses na naging partylist representative si Hontiveros ng nasabing grupo sa Kamara.

Idiniin ng anak ng dating Pangulo Rodrigo Duterte na buo na ang pasiya ni Hontiveros na tumakbo bilang pangulo sa 2028.

Si VP Sara man ay nauna nang nagpahayag ng intensyon upang humalili kay Pangulo Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page