NEWS
VP Sara humarap, nanumpa na sa komite ng Kamara

Photo from brigada.ph
11/26/24, 7:34 AM
Humarap na rin sa congressional hearing si Bise Presidente Sara Duterte at napilitang sumumpa na magsasabi ng pawang katotohanan nitong Lunes Nobyembre 25).
Nagpakita si Duterte sa House Committee on Good Government and Public Accountability na kanyang inakusahan ng “illegal” na pag-detine kay Zuleika Lopez, chief of staff ng kanyang tanggapan.
Tila magulo ang naging diskusyon sa pagdinig ukol sa umanoy paglustay ng milyon-milyong pisong confidential and intelligence fund ng OVP nang simulan ng ikalawang pangulo ang pagpapaliwanag tungkol sa appointment ng mga undersecretary at secretary ng isang departmento.
“The resignation letters of the Usec and Asecs of DepEd were accepted by the appointing authority. Who is that, Mr. Chair? The President of the Republic of the Philippines?” punto ni Duterte.
Pinaalalahanan ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua si Duterte na ang isyu ukol sa DepEd ay hindi pa tinatalakay ng komite ngunit nagpatuloy pa rin ang executive official na magsalita tungkol dito.
Nagpatuloy si Duterte tungkol sa isyu ng resignations at appointments at humantong din sa pagtatanong kung nabigyan ng due process si Lopez bago ito idetine.l
“Mr. Chair, you need to reconsider the extension of her (Lopez) detention because it is illegal in the first place. You asked the president why he accepted the resignation,” sinabi Duterte sa muling pagbubukas ng proceedings.
Dito pinayuhan ni Antipolo Rep. Romeo Acop ang ikalawang pangulo na dapat idulog nito ang isyu sa korte kung inaakala niyang mali ang ginawa ng mga kongresista.
Si Lopez ay kasalukuyang nagpapagaling sa Veterans Memorial Medical Center matapos na magkaroon ito ng panic attack nang mag-isyu ang Kamara ng direktiba na siya ay ilipat na sa Correctional Institute for Women na kulungan ng mga babaeng napatunayang nagkasala sa batas.
Ayon kay Chua, si Duterte ang dapat sisihin sa naging pasya ng Kamara na ilipat si Lopez sa CIW. Dinahilan ni Chua ang “breach of protocol” ni Duterte nang magpasya ito noong Huwebes na matulog sa Batasan Pambansa compound.
“Instead of answring all our quesitons she staged siege-type actions inside the Congress and stated too many stories aobut the detentio of Atty. Lopez,” pahayag ni Chua.
Pinuna rin ng kongresista ang umanoy “diversionary tactics” ng OVP upang mapatigil ang pag-iimbestiga ng kamara sa nababalitang maling paggamit ng PHP612.5 milyon ng CIF ng tanggapan ni Duterte.
