top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

VP Sara handang humarap sa impeachment process; legal team binubuo na

Photo from cebudailynews.inquirer.net

2/7/25, 6:22 AM

Ni Ralph Cedric Rosario

“God save the Philippines.”

Ito ang naibulalas ni Bise Presidente Sara Duterte nang hingin ng news media ang kanyang komento sa paghain ng impeachment complaint na naglalayong patalsikin siya sa puwesto.

Sa press conference nitong Biyernes (Peb. 7), sinabi ni Duterte na “okay” lang sa kanya na humarap sa impeachment process.

Kumunsulta na rin siya sa mga abugado,’ ayon sa ikawalang pinakamakapangyarihang opisyal ng pamahalaan sa bansa na isa rin attorney.

“Ang tanging masasabi ko na lamang sa puntong ito ay God save the Philippines,” pahayag ni Duterte.

“Bukod dito, nais ko na lang ipaabot ang aking taos pusong pasasalamat sa mga kababayan na patuloy nagdarasal, sumusuporta, nagtitiwala at patuloy na nagmamahal sa akin. Manalig kayo dahil sa taong bayan ang tagumpay,” dagdag niya.

Ayon sa kanya agad siyang naghanda na harapin ang impeachment proceedings matapos na ipaalam sa publiko ni Deputy Minority zleader France Castro ng ACT Teachers partylist ang planong maghain ng reklamo.

Ngunit inamin din ni Duterte na hindi pa niya nakakausap ang mga kaibigan niya sa Senado tungkol sa isyu.

“I’ve not counted numbers of votes in the Senate. Tjhe legal team is still in the preparation of the defense and what we will do moving forward,” paliwanag ni VP Sara.

Tinanong din ng media kung nakaramdam siya ng sama ng loob at inisip niya na naging traydor ang maraming dating mga kaalyadong kongresista mula sa Mindanao na pumirma sa Articles of Impeachment.

“Mas masakit pa ang maiwanan ng boyfriend o girlfriend kaysa ma-impeach ka ng house of Representatives,” sagot ni Duterte.

Ipinaliwanag niya na dahil wala naman siyang personal na relasyon sa maraming pulitiko, hindi siya nagkaroon ng anumang pagdaramdam sa mga pumirma sa impeachment complaint.

Bagamat nagprisinta ang kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang abogado niya, nagpasya si VP Sara na hindi na tanggapin ito dahil sa kanyang katandaan.

“Maybe he wants to. He can be part of the defense team. But because of his age and because of rigorous preparations in an impeachment case, baka sabihin ko sa kanya na huag na lang siyang mag-lead dfahil medyo may edad na si former President Rodrigo Duterte. He’s already 80 years old,” ayon sa bise presidente.

Tumangging magbigay ng komento si Duterte sa sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na wala itong kinalaman sa planong pag-impeach sa kanya.

Iginiit ni Marcos na hindi niya pinakialaman ang anumang pagkilos na ipatanggal si Duterte ngunit napuna ng marami na ang kanyang anak na si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ang unang-unang pumirma sa reklamo na inihain ng 215 na kongresista.

Si Speaker Martin Romualdez naman na pinsan buo ni Marcos ang kahuli-hulihang pumirma sa impeachment complaint.

Itinaggi rin ni Duterte na pinagbantaan ang buhay ni Marcos, kanyang asawang si First Lady LIzza Araneta-Marcos at Romualdez.

“I did not make an assassination threat to the president. Sila lang ang ngasasabi niyan. Sila lang ang nagsasabi may assassination, sila nagsasabi may assassin, may gunman. I did not say that,” diin ni VP Sara.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page