top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

VP Duterte muling dinaig si Marcos, iba pang opisyal sa latest SWS survey

2/11/26, 9:13 AM

By Ralph Cedric Edralin

Nananatiling si Vice President Sara Duterte ang nakapagbibigay ng kasiyahan sa higit na maraming Pilipino kung ikukumpara sa tulad niyang pinakamatataas na opisyal ng bansa, kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa pinakahuling national survey ng Social Weather Station, lumabas na 54 porsiyento ng mga Filipino ang kuntento sa kanyang ipinakikitang pagganap sa tungkulin.

Si Marcos ay hinahangaan sa kanyang trabaho ng 40 porsiyento ng mga na-inrterview na respondents. Ang numero ay tumaas ng bahagay mula sa 39 percent sa resulta ng isinagawang September 2025 survey.

Ang pinakabagong SWS report ay base sa isinagawang survey noong Nobyembre 24 hanggang 30 ng nakaraang taon.

Ngunit higit na marami ang hindi nasisiyahan sa pagganap ni Marcos sa kanyang tungkulin. Naitala sa 43 porsiyento ang ‘dissatisfied” sa pangulo, isang porsyento lamang ang itinaas sa 44 porsiyento noong Setyembre.

Ayon sa SWS ang net satisfaction rating ni Marcosas -3 percent. Ito ay klasipikadong “neutral”.

Sa survey, lumabas na 26 porsiyento ang hindi nasisiyahan sa performance ni Duterte.

Dahil dito nagtala si Duterte ng +28 net satisfaction rating na klasipikadong “moderate”.

Si Senate President Vicente “Tito”Sotto III ay mayroong moderate rating na +16 satisfaction score.

May +5 satisfaction rating naman si Speaker Faustino “Bojie” Dy III, ayon sa pinakahuling survey. Tumaas ito mula sa +2 noong Setyembre.

Mataas ang satisfaction rating ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa +9 noong Nobyembre. Hindi nagbago ang rating na ito kung ihahambing sa naunang September survey.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page