top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Vatican official magmimisa sa Antipolo international shrine

2/20/24, 4:30 AM

Ni MJ Blancaflor

Magdadaos ng Misa ng Pasasalamat ang isang opisyal ng Dicastery for Evangelization ng Vatican sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage sa Antipolo, ang unang international shrine ng bansa.


Pangungunahan ni Archbishop Rino Fisichella, pro-prefect ng dikasteryo, ang "Misa de Gracia" sa Pebrero 26 dakong 9:30 a.m.

Inanunsyo iyan ng Antipolo international shrine sa isang Facebook post.

Sinusundan ng Misa de Gracia ang isang triduum ng mga Misa at prusisyon ng Antipolo diocesan ministries at commissions mula Pebrero 23 hanggang 25.

Ang bagong status ng simbahan bilang international shrine ay opisyal na nagsimula noong Marso 2023 matapos itong pahintulutan ng Vatican.

Humigit-kumulang 80 mga obispo mula sa buong bansa ang dumalo sa seremonya ng pagdedeklara ng Antipolo Cathedral bilang international shrine noong Enero 26.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page