NEWS
Unsafe maneuvers” ng military chopper ng China, paghahamon ng giyera?

Photo from Pinterest
9/24/24, 8:41 AM
Masama at hindi propesyonal ang ginawang “unsafe maneuvers” ng isang military chopper ng China sa pagbuntot nito sa eroplano ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa Bajo de Masinloc o Panatag Shoal.
Nilagay sa peligro ang buhay ng mga nakalulan sa dalawang sasakyang panghimpapawid dahil sa ginawang pangha-harass ng Chinese military.
Bukod dito naging mitsa rin ng pagsisimulan ng digmaan ang iresponsableng kinilos ng mga Tsino.
“They are unsafe maneuvers. They are uncalled for, unprofessional,” sabi ni Philippine Navy spokesperson for WPS na si Rear Admiral Roy Vincent Trinidad sa isang press briefing nitong Martes (Setyembre 24).
Dagdag niya: “We leave it up to the BFAR to issue the appropriate official statement on that. But again actions like this have no place in the aviation industry.”
Ayon kay Trinidad ang paglipad ng malapitan sa isa pang sasakyan sa ere ay maaaring magresulta ng aksidente.
Ipinaliwanag niya na ito ang dahilan kung bakit dapat ipairal ang rules of engagement at international law.
“Not only in the WPS, but civil aviation is full of reports of accidents so the closer you get the greater the potential for any untoward incident which is what we would like to prevent in the entire WPS,” sabi ni Trinidad.
Nangyari ang insidente noong Sabado nang isang Chinese military helicopter ay lumipad malapit sa BFAR plane.
Nakatanggap umano ng ilang radio warnings ang BFAR mula sa Chinese Navy warship bago namataan ang bumubuntot na BFAR aircraft.
Agad rumadyo ang BFAR plane pilot ng warning sa Chinese air crew ngunit nagpatuloy pa rin ang eroplano nila sa pangha-harass.
Nangyari ang insidente sa Bajo de Masinloc, kilala rin sa pangalan Panatag o Scarborough Shoal, na may 1245 nautical miles ang lapit sa Masinloc, Zambales.
Ayon sa United Nations Convention on the Law of the Sea, (UNCLOS) ang lugar ng Bajo de Masinloc ay malinaw na nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
