top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Supply ng langis aabot pa sa Hunyo 30

Photo attachment: A1-PBBM_edit_19134827696032.jpg

3/30/26, 4:45 AM

Ni Tracy Cabrera

NAIA, Lungsod ng Pasay — Sa pagnanais makalma ang agam-agam sa posibilidad na magkaroon ng fuel shortage sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis, hinayag ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. na mayroong sapat na krudo ang bansa na tatagal hanggang sa katapusan ng Hunyo.

Ang pagtitiyak ng Pangulo ay kasunod ng pagkumpirla ng Malakanyan sa pagdating ng 700,000 barikes ng crude oil mula sa bansang Russia.

Batay sa mga ulat, patungo ang oil shipment sa refinery ng Petron Corporation sa Bataan, na kung saan ito ay ipoprosesopara maging diesel at gasolina.

Tinukoy ng Pangulo na ang latest delivery ay tanda ng inisyatibo ng kanyang administrasyon na mag-angkat ng langis makaraan ang pagtigil nito noong 2022 kasunod ng global market disruption sanhi ng digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Tinukoy din ng punong ehekutibo na na tiyak na ng Pilipinas ang sapat na supply ng langis para sa darating mga buwan.

“Because of (this), we now have a supply of crude oil that is sufficient until June 30. Importing crude for local refining was more cost-efficient than bringing in already refined petroleum products,” kanyang pinunto.
“There is a difference in pricing when we import crude oil compared to importing already refined fuel like diesel. Importing refined fuel is more expensive,” dagdag pa niya.

Sa kabila ng pagdating ng langis mula sa Russia, hinayag ni Ginoong Marcos Jr. na patuloy na naghahanap ang pamahalaan para sa karagdagang supplier upang matiyak ang long-term energy security habang naghahanap din ang Department of Energy (DoE) ng alteration pang mga source ng langis.

“My instruction to the (DoE) is 'do not stop; continue looking for additional supply because we do not know how long this situation will last,” kanyang idiniin.

Nilabas din kamakailan ng Pangulo ang Executive Order 110 para ideklara ang state of national emergency (SoNEE) at gayun din ang pansamantalang suspensyon ng excise tax sa gasolina.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page