top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Signature drive inilunsad ng Cebuano Catholics laban sa divorce bill; “Botong Katoliko” ikakasa rin?

7/8/24, 10:45 AM

Posibleng ikasa ang “Botong Katoliko” laban sa mga mambabatas na aktibong sumusuporta sa pagsasabatas ng ‘divorce bill.”

Ito ay namumuo sa paniniwala ng maraming Katoliko matapos na maglunsad ng signature campaign ang mga simbahan sa Cebu bilang suporta sa masidhing oposisyon ng Archdiocese of Debu sa pagsasa-legal ng diborsyo sa bansa.

Ang divorce bill ay tatalakayin ng Senado sa pagbubukas ng Kongreso na ngayon ay nasa sine die adjournment.

Inakda ni Albay Rep. Edcel Lagman at mga progresibong mambabatas mula sa Makabayan bloc, ang House Bill No. 9349 o Absolute Divorce Act ay ipinasa ng Mababang Kapulungan noong Mayo 22 sa 126 affirmative at 109 negative votes. May 20 kongresista ang hindi nagpahayag ng kanilang pasya.

Halatang higit na mataas ang dami ng mga kongresistang nagpahayag ng hindi pagsang-ayon sa diborsyo noong Mayo, 2024 kumpara sa lumabas na botohan sa katulad na panukalang batas noong 2018.

Pangunahin sa mga umakda si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez ng divorce bill noon 2018 habang siya ang speaker ng Mababang Kapulungan. Nag-rehistro ng botong 134 affirmative, 57 negative at 2 abstention noon.

Marami sa mga kongresistang umayaw sa divorce bill ay saradong Katoliko o nakinig sa pakiusap ng mga kaparian.

Ayon sa mga lay leaders, suportado nila ang tayo ng simbahan kung kaya’t nagbabalak na rin silang magsagawa ng signature campaign upang kumbinsihin ang mga senador na ibasura ang panukalang batas.

Sa Quezon City, pangungunahan umano ng mga Knights of

Columbus at iba pang organisasyong simbahan ang pagtatayo ng Botong Katoliko upang magkaisa ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kanilang paniniwala laban sa mga nais yurakan ito.

“Kung sinusunod ng mga pulitiko at may kapangyarihan angpasya ng maliit na religious denomination, higit pa dapat nilang bigyan ng paggalang ang nais ng nakararami,” palilwanag ng isang lider simbahan.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page